Sabado, Setyembre 3, 2011

“The Great Battlefield In Student’s Life”


It is very obvious that being student is the best part of life; hence it is also the most challenging and stressful. In this period of time students start their own life. All of them have the right to make their own decisions. At this period a student has to learn a lot of information from the books and other sources of info. It means that he or she should decide and determine main points in life. Initially, the student becomes a person with his or her own way of looking at things. Student life is very useful because it prepares individuals for the real life. It means that student life is a life of learning. When you are a student and you have no help you have a lot on your mind. You have a lot of responsibilities that you have to take upon yourself, and that is hard.

Being a student, he or she takes part in different competitions, tournaments and educational trips. During this period student learns and educates. For them Life is just a matter of choice, choice between passed or failed or love and hate. Furthermore, choice between attending classes or cut classes, smoke cigarettes or not, go to school drunk or not, listen to the teacher or chat with their seatmates, go to mall after class or go home, take love as an inspiration or destruction and lastly passed of failed on their own or cheated. That is why it is so important not to get into bad company however the temptation is great, it is very difficult to do but still possible. To tell you the truth, everything depends from the person.

Moreover, students are gambling for their future, they are the warriors in the battlefield of the student’s life. In today’s world they can never depend or believe everything their parents say to them. They must become independent; because they will be no help when they will need them the most. That is where the pressures of being a student come in to a play, because they have no help, they have obligations such as a full time job, and most of all they have to study.

            Above all of this, Student’s figured out that Life for them is just like taking exams but not just a usual multiple choice type of exam that you can chose whatever you want, it is an essay type of exam that you take and write everyday. But the good thing about this is that, erasures are allowed. And just like other exams, you will pass it on time whether you’re finished or not. Its time to judged what you had done, but you will not judged base on how much money are there in your wallet or how much billions are there in you bank account and how popular you are. You will be judged base on what you had done with others and how did you affects their lives. You will be judged base on what you had written on your book of life.

Lunes, Agosto 29, 2011

Tuwing umuulan :)

Bakit ba tuwing umuulan sinasabi nilang umiiyak ang kalangitan ?Minsan naman sinasabi nila dinadamayan sila ng panahon sa kanilang kalungkutan ?Ano ba talaga ? Anong ba talagang papel ng ulan sa buhay natin ? Bakit tuwing umuulan nalulungkot tayo at nageemote ?


Bawat patak ng ulan sumasabay ang ating mga luha...Isa lang ang dahilan, kalungkutan at madalas pag-ibig ang dahilan ng pagbaha ng luha sa ating unan,Ulan, tubig mula sa kalangitan,simbolo ng unos at paghihirap kasabay ng unos na ating dinadanas.Tuwing umuulan, nagbabalik lahat ng masasaya at malulungkot na ala-ala sa buhay pag-ibig natin.Simbolo ng lumipas na di na natin maibabalik pa.


Subalit,sa lahat ng ito, ulan din ang nagsasabing sisikat ang araw, may bahagharing magbibigay kulay sa mundo mong madilim at malungkot.Dumadating talaga sa buhay ng tao ang unos, kailangan lang natin tong hrapin at lampasin.Di mo mapipigil ang oras, di mo mababago ang nakaraan ngunit kaya mong baguhin ang KASALUKUYAN :)


DI BA NGa?

Linggo, Agosto 28, 2011

Sarap Pag-Inlove

"Love makes the world go round" yan lagi ang sinasabi pag napag-uusapan ang LOVE, totoo naman di ba ? Kasi once na ma-INLOVE ka, para kang nagtratravel around the world, minsan pa nga pumupunta ka sa UNIVERSE eh , haha TOINKS !

Pero totoo ang SARAP NG FEELING NG INLOVE ! Yung tipong di ka makatulog kakaisip sa kanya,di ka makakain at wala kang ginagawa kung hindi makinig sa mga love songs, gumawa ng tula,kwento at kung ano ano pang may koneksyon sa word na "LOVE".Nandiyan din ung tipong pag pasok mo sa school na badtrip na badtrip ka eh once na makita mo siya, parang magic napapangiti ka, kinikilig at napapasabing "KUMPLETO NA ARAW KO NAKA-JERT NA KO" di ba ganun tayo ? At pag naman nilapitan ka niya at kinausap, natutulala ka, hindi makapagsalita at hindi makatingin ng diretso sa mata niya.Minsan pa nga pag kasama mo mga kaibigan mo at bigla mo siyang nakita at tumingin at nginitian ka para kang nasa LANGIT ! nandun ung SPARK na tinatawag  .... Hay ! talagang napakasarap ma-inlove.


Pag-inlove ka pati daming pagbabagong nagaganap sayo, kung dati makulit ka,ngayon napakasensitive mo na , kung dating wala kang pakialam sa mga bagay, ngayon meron na , dating hindi nag-aaral ngayon nagsusunog ng kilay para  mag-aaral at mapansin ng taong iyong INSPIRASYON !!Sarap talaga nakakakilig lalo na kung  uuwi ka na biglang tutnog cellphone mo at nagtext siya para sabihing INGAT KA PAG-UWI :) uuwi kang nakatawa,at pag nakauwi ka na magtetext nananaman ng KAIN KA NA PO :) at pag bago matulog magtetext din siya ng GOODNIGHT, SWEET DREAMS :) Di ba ? Ang saRap ng feeling .. 


Di mo mapapaliwanag, di mo masasabi at di mo din mapapansin, ibang tao ang magsasabi sayo ng "IBA AURA MO AH ? BLOOMING ? IN LOVE ?"  at wala lang maisasagot kung hindi isang matamis na NGITI :)At bigla ka na lang mamumula ... Pag- in love ka , bawat araw mo masaya, parang walangh problema, para kang nasa HEAVEN !! 

Sarap talaga pag tinamaan ka ng PANA NI KUPIDO , nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo akalaing magagawa mo, magbabago ka ng hindi mo mapapansin, mapapangiti ka nang walang dahilan at higit sa lahat ARAW- ARAW MASAYA KA !!




BUHAY NGA NAMAN !! 

Lunes, Agosto 15, 2011

“Maliit kong Silid, Tanawin mo!!” “Ang Silid ng Aking mga Pangarap”


Mula pagkabata dito sa munting tahanan na ito ako nakatira,kasama ang aking mga magulang at mga kapatid. Isang tahanan na puno ng pagmamahalan at pag aaruga. Simpleng tahanan na may dalawang silid,isang tanggapan ng mga panauhin,kainan, kusina at palikuran.Samahan mo ako at ipapasilip ko sa’yo ang tinagurian kong “Silid ng Aking mga Pangarap”
                               
Pagpasok mo pa lang sa aming munting tahanan, ang aming munting tanggapan ang bubungad sa iyo at sa dako pa roon ay nandoon ang aming kainan, kusina at palikuran.Isang hakbang sa aming pasilyo madadaanan mo ang silid ng aking mga magulang kasunod na ang silid namin ng aking mga kapatid.Pagbukas ng pinto maaring mapatigagal ka sa iyong makikita. Dalawang kama, isa sa kanan para sa dalawa kong kapatid at isa sa kaliwa malapit sa bintana na aking pag-aari. Isang orocan na durabox lang ang naghahati sa dalawang kama.Ang aking kama na pinakaborito kong bahagi ng aming silid. Kaya naman para sa akin  masasabi kong maganda ang aming tahanan lalo na ang aming silid.

Pero ang talagang nagpaganda sa aking pahingahan o kama ay ang, mga stuff toys na katabi ko pag tulog, ang bukas na bintana kung saan lagi akong inaabot ng magdamag habang pinagmamasdan ang buwan at kalangitan.Lumilipad ang aking isipan habang nakatingin ako sa buwan, malalim ang iniisip at nangangarap,nagtatanong at minsan pa ay umiiyak at napapangiti. Habang bukas ang ilaw,  para akong nalulunod sa kasiyahan,kalungkutan at sa  iba pang mga dahilan.Kapag pinatay na ang ilaw, bigla naman akong mapapatigagal sa bintana habang tinatanaw ang buwan at ang kalangitan.At ang unang pumapasok sa aking isipan ay ang mga bagay na gusto kong gawin sa hinaharap.
 
Sinasalamin ng aking pahingahan ang buhay ko. Habang bukas ang ilaw, habang gising, makulay ang buhay; maraming maaring pagtawanan at pagkasiyahan. bagamat ang mga bagay na ito ay labas sa akin, para na rin itong kaparte at kabahagi ko. Ang bukas na bintana, ang buwan, bituin at ang kalangitan kapag patay na ang ilaw ay nagsisilbing repleksiyon ng kung sino ako: taong misteryoso , taong  mahilig sarilinin ang problema, mahilig makisali sa mga isyung hindi naman kasali,magalingan kung minsan, mabait sa taong mabait,mahilig magsulat ng mga tula at kung anu-ano pa. Nagsisilbi rin itong talaan ng aking mga pangarap na imposible at posibleng matupad tulad ng pagiging guro, pagiging isang mahusay na kusinero at syempre makapaglibot sa buong mundo at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.

             At kapag unti-unting pumipikit ang aking mga mata, mistulang naglalaho na ang lahat ng mga makamundo at pansariling mga kahilingan at pagnanasa, dumidilim ang paligid at sa kadulo-duluhan isa lang ang natitira; ang pagnanais na maging malaya, ang isang araw maging kaulayaw ang mga buwan at bituin, ang maglakbay ang diwa sa layo at lalim ng kalawakan.

            Sa ngayon, di ko na halos mapansin ang mga  buwan at bituin sa tambak ng mga papel sa silid ko. at ang mga litrato, natakpan na ng mga libro ngunit alam kong hindi maiipit sa gitna ng mga pahina ng mga naglalakihang libro ang malayang diwa. isang araw, pag ako ay umalis, muli akong babalik  sa lugar na ito, ang silid ng aking mga pangarap at babaguhin ang lahat at ilalagay sa matiwasay.

Miyerkules, Agosto 10, 2011

Pagbabago: Akayin Mo Ako (Panimula)



Lahat ng bagay sa mundo ay hindi permanente,lahat nagbabago,nag-iiba mapatao man yan, bagay, hayop o panahon at sibilisasyon.Hindi na iba sa atin ang pagbabago, kadugtong na ito ng ating buhay, kaakibat ng lahat ng mga bagay-bagay at bawat tao sa mundong ating ginagalawan.Marahil, may pagbabagong masama ngunit kalimitan ay pagbabago sa ikabubuti natin.Isa lang naman ang resulta ng ating pagbabago di ba ? eto ay yung magiging daan para makilala natin ang ating sarili at matanggap ng ibang tao kung sino talaga tayo.Lahat naman tayo dumadaan dito kaya lang minsan di natin napapansin ang ating pagbabago bagkos marahil ay masyado tayong abala sa pagkukumpara ng sarili natin sa iba.




Mahirap magbago, totoo yan lalo na kung dito tayo nakilala at nakasanayan na natin ito.Madaling sabihin na magbabago ka na pero ang hirap isagawa, sa kadahilanang hindi natin alam kung ano ang una nating babaguhin, saan natin unang itutuon ang ating atensyon tungo sa pagbabago.Paano natin unang didisiplinahin ang ating mga sarili, paano natin pipigilan ang ating pag-iisip ng negatibong bagay at pagkukumpara natin ng ating sarili sa ibang tao.Hindi naman madalian ang pagbabago, hindi yan parang isang mahika na nandyan na agad.Siyempre nandiyan yung tinatawag na proseso at paraan kung paano tayo magbabago.Parang pagluluto lang nandiyan din ung tinatawag na mga sangkap ng pagbabago, mga hakbang kung paano sisimulan at mga pampalasa para maging masarap at malinamnam ang pagkain lulutuin mo, kung ihahalintulad natin sa pagbabago kailangan una yung sangkap, kung saan nandun yung mga kailangan mo para magbago, pampalasa , ito ung mga kailangan para maging epektibo ang pagbabago mo, at huli ay ung dedikasyon kung saan masidhing damdamin mo ang namumutawi para magbago ka.Kagustuhan mo, hindi kagustuhan ng iba.