Miyerkules, Agosto 10, 2011

Pagbabago: Akayin Mo Ako (Panimula)



Lahat ng bagay sa mundo ay hindi permanente,lahat nagbabago,nag-iiba mapatao man yan, bagay, hayop o panahon at sibilisasyon.Hindi na iba sa atin ang pagbabago, kadugtong na ito ng ating buhay, kaakibat ng lahat ng mga bagay-bagay at bawat tao sa mundong ating ginagalawan.Marahil, may pagbabagong masama ngunit kalimitan ay pagbabago sa ikabubuti natin.Isa lang naman ang resulta ng ating pagbabago di ba ? eto ay yung magiging daan para makilala natin ang ating sarili at matanggap ng ibang tao kung sino talaga tayo.Lahat naman tayo dumadaan dito kaya lang minsan di natin napapansin ang ating pagbabago bagkos marahil ay masyado tayong abala sa pagkukumpara ng sarili natin sa iba.




Mahirap magbago, totoo yan lalo na kung dito tayo nakilala at nakasanayan na natin ito.Madaling sabihin na magbabago ka na pero ang hirap isagawa, sa kadahilanang hindi natin alam kung ano ang una nating babaguhin, saan natin unang itutuon ang ating atensyon tungo sa pagbabago.Paano natin unang didisiplinahin ang ating mga sarili, paano natin pipigilan ang ating pag-iisip ng negatibong bagay at pagkukumpara natin ng ating sarili sa ibang tao.Hindi naman madalian ang pagbabago, hindi yan parang isang mahika na nandyan na agad.Siyempre nandiyan yung tinatawag na proseso at paraan kung paano tayo magbabago.Parang pagluluto lang nandiyan din ung tinatawag na mga sangkap ng pagbabago, mga hakbang kung paano sisimulan at mga pampalasa para maging masarap at malinamnam ang pagkain lulutuin mo, kung ihahalintulad natin sa pagbabago kailangan una yung sangkap, kung saan nandun yung mga kailangan mo para magbago, pampalasa , ito ung mga kailangan para maging epektibo ang pagbabago mo, at huli ay ung dedikasyon kung saan masidhing damdamin mo ang namumutawi para magbago ka.Kagustuhan mo, hindi kagustuhan ng iba.

7 komento:

  1. pano nga simulan ang isang pagbabagomna sadyang mahirap gawin na pakiramdam ay sadyang naiwan kna ng panahon

    TumugonBurahin
  2. Oo,mahirap sa umpisa na magbago,pero kung gusto mo talagang makamit ang pagbabago. Hndi mo iindiain ang hirap..

    TumugonBurahin
  3. Hindi mahirap ang pagbabago na hinahanap natin... Mahirap talaga kung pagkukunwari lang ang pagbabagong gusto mong gawin.. Dahil kung gusto mo talaga magbago iyon ay may dahilan.. Kailangan mo tanungin ang sarili mo ... Kung bkit kailangan mona ng pagbabago... Minsan kasi kung kailan feeling down kna dun mo lang maiisip magbago at una mo maiisip ang panginoon.. Kung ang panginoon ang iisipin mo at sa kanya mo iaalay ang pagbabagong gusto mo madali mo lang magagawa un.. Sa kanya ka humingi ng tulong para gabayan ka sa pagbabagong gusto mo makamt.. isapuso mo at isagawa.. Di lang ikaw ang nalilinis pati kaluluwa mo..

    TumugonBurahin
  4. Nasa worst year nga pala ako👋

    TumugonBurahin
  5. Gumawa ng isang sanaysay na pinamagatang “Ako ang Simula ng Pagbabago”. Ilahad sa sanaysay ang mga magagawa mo bilang isang kabataan sa pagsusulong ng mga programa, proyekto at patakarang makatutulong upang epektibong matugunan ang mga hamong pangkapaligiran.

    TumugonBurahin