Linggo, Agosto 28, 2011

Sarap Pag-Inlove

"Love makes the world go round" yan lagi ang sinasabi pag napag-uusapan ang LOVE, totoo naman di ba ? Kasi once na ma-INLOVE ka, para kang nagtratravel around the world, minsan pa nga pumupunta ka sa UNIVERSE eh , haha TOINKS !

Pero totoo ang SARAP NG FEELING NG INLOVE ! Yung tipong di ka makatulog kakaisip sa kanya,di ka makakain at wala kang ginagawa kung hindi makinig sa mga love songs, gumawa ng tula,kwento at kung ano ano pang may koneksyon sa word na "LOVE".Nandiyan din ung tipong pag pasok mo sa school na badtrip na badtrip ka eh once na makita mo siya, parang magic napapangiti ka, kinikilig at napapasabing "KUMPLETO NA ARAW KO NAKA-JERT NA KO" di ba ganun tayo ? At pag naman nilapitan ka niya at kinausap, natutulala ka, hindi makapagsalita at hindi makatingin ng diretso sa mata niya.Minsan pa nga pag kasama mo mga kaibigan mo at bigla mo siyang nakita at tumingin at nginitian ka para kang nasa LANGIT ! nandun ung SPARK na tinatawag  .... Hay ! talagang napakasarap ma-inlove.


Pag-inlove ka pati daming pagbabagong nagaganap sayo, kung dati makulit ka,ngayon napakasensitive mo na , kung dating wala kang pakialam sa mga bagay, ngayon meron na , dating hindi nag-aaral ngayon nagsusunog ng kilay para  mag-aaral at mapansin ng taong iyong INSPIRASYON !!Sarap talaga nakakakilig lalo na kung  uuwi ka na biglang tutnog cellphone mo at nagtext siya para sabihing INGAT KA PAG-UWI :) uuwi kang nakatawa,at pag nakauwi ka na magtetext nananaman ng KAIN KA NA PO :) at pag bago matulog magtetext din siya ng GOODNIGHT, SWEET DREAMS :) Di ba ? Ang saRap ng feeling .. 


Di mo mapapaliwanag, di mo masasabi at di mo din mapapansin, ibang tao ang magsasabi sayo ng "IBA AURA MO AH ? BLOOMING ? IN LOVE ?"  at wala lang maisasagot kung hindi isang matamis na NGITI :)At bigla ka na lang mamumula ... Pag- in love ka , bawat araw mo masaya, parang walangh problema, para kang nasa HEAVEN !! 

Sarap talaga pag tinamaan ka ng PANA NI KUPIDO , nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo akalaing magagawa mo, magbabago ka ng hindi mo mapapansin, mapapangiti ka nang walang dahilan at higit sa lahat ARAW- ARAW MASAYA KA !!




BUHAY NGA NAMAN !! 

2 komento:

  1. oo masarap mainlove pero usually yung taong nagpasaya syo eh sya rin ang taong papatay sa puso mo once sinabi nya syo na tama na, ayoko na its time for us to move on...kadalasan kasi kung sino yung mga totoo sila ang naloloko, sobra kasi natin mahal yung tao kaya minsan nagiging tanga tayo.....i thank u...i love you philippines....chos!

    TumugonBurahin
  2. Ang sarap nga, pero ang sakit yung time na nagbrebreak kayo. Shit! Hangang ngayun di pa rin ako nka pag move on sa ex fiance ko.

    TumugonBurahin